It's been a while since I've posted. Yes, I'm lazy! there's no excuse for neglecting something which I love to do.
So, let me share you something which is quite crazy but I guess sums up what I've been doing these past Months.
Sorry if I used pure Tagalog this rime...
Hindi lang mi-minsan, kung ihambing natin ang sarili natin sa iba. Kaya kadalasan, ang nakikita natin ay ang ating kakulangan. Sinasabi nating “Mabuti pa siya, nagawa na niya ito, ito at ito pa.” O ‘di naman kaya, “Bakit kaya lagi na lang sa kanila, pa’ano naman ako?” Marami ang mga pagkakataong inihahambing natin ang sarili natin sa mga taong nakapaligid sa atin – at parati bitin…HEP!
Kung pag-tu-tu-unan ng pansin, parati na lang mas maganda ang mga nangyayari sa iba. Hindi puwedeng makamit mo ang mga bagay na ito kung hindi mo pagdaraanan ang mga pinagdaanan nila. Pero, ibang usapan na iyon. Tigilan na nating ihambing ang sarili natin sa iba. AKO naman ang mamahalin ko!
Ang bawat isa sa atin ay may kani-kaniyang pasanin. Mataba marahil, payat, puyat. Mga anak, di magka-anak, asawa, iniwan ng asawa, walang asawa, matagal nang dalaga, matandang binata. Pera, trabaho, sobrang trabaho, walang trabaho, kulang ang sweldo, ang kita di makita. Nangungulila, pagkabalisa, pag-a-alinlingan, at iba pa.
Kailangang matutunan nating mahalin ang ating mga sarili, at kung hindi man natin magawa ito ngayon, tigilan na natin ang paghahambing natin sa ibang tao. Hindi natin alam kung ano ang pinagdaraanan nila.
Tandaan mo, parating may mas pogi o maganda pa sa iyo…mas matalino.
Mas malaki ang bahay, mas magarang sasakyan. Mas matalinong mga anak, at asawang mas mahilig magkumpuni ng mga bagay sa tahanan o di man kaya ay magaling at masarap magluto . Kaya tigilan na ang pag kumpara at maging kuntento kung ano ang mayroon ka.
Magnilay ka, malamang na ang pinaka mahusay mong katrabaho sa inyong tanggapan ay maaring nahihirapng makibagay sa kaniyang biyenan. At yung pinaka mayamang taong kilala mo –magarang sasakyan, bahay, kasuotan ay kulang sa tunay na kalinga at pagmamahal. Alam naman nating kung walang pagmamahal ay walang kahulugan ang buhay.
Kaya muli, mahalin natin ang ating sarili. Mahalin mo kung ano ka ngayon at gawin mong batayan ng pagmamahal mong iyan ang Diyos. Gawin mo siyang huwaran, manalamin sa tuwing paggising mo sa umaga, at pansinin mo kung gaano mo kawangis ang Diyos sa araw na iyon. Siya lamang ang gawin mong hambingan, at kung sakali mang kapusin ka sa batayan, nakakasiguro kang di ka Niya iiwan.
Peace!
No comments:
Post a Comment